Kabanata VII.
Marairog na Salitaan sa Isang "Azotea"
PINDUTIN UPANG MAHALINA
prinsesa ng mga tala
diwata ng hilaga
panaginip ng makata
pakinggan mo ako
balutin ng hiwagang hinabi ng tadhana
balutin ng hiwagang hinabi ng tadhana
balutin ng liwanag na tila tanikala
patak ng luha ng kandila
sa sobre kong sinidlan
ng liham nilathala
para sa iyo
"Nang magcagayó'y tinangnán co ang iyóng camáy at ang camáy ng̃ aking iná, nanumpâ acóng sísintahin catá
catá'y paliligayahin, anó man ang capalarang sa aki'y ipagcaloob ng̃ Lang̃it, at sa pagca't hindî nacapagbigáy pighati cailán man sa akin ang sumpáng itó; ng̃ayó'y mulíng inuulit co sa iyó.
¿Mangyayari bagáng limutin co icáw? Laguing casamasama co ang pag-aalaala co sa iyo"
Kabanata VII.
Marairog na Salitaan sa Isang "Azotea"
PINDUTIN UPANG MAHALINA
ang araw ay bumangon na
mula sa pagtulog niya sa likod ng mga bundok
umaga na, mga mata
hindi pa nakakaranas ng kahit isang kurap
salubungin bukang-liwayway
at simoy ng hangin na dala
ng bagong araw
nais pakinggan ang tinig ng
mga ibong buong galak
na umaawit
sana ay pakawalan ng gabi ang aking munting katawan
"Sa mg̃a panaguimpan co'y nakikita co icáw na nacatindig sa tabíng dagat ng̃ Maynilà, nacatanaw sa malayong abót ng̃ paning̃íng nababalot sa malamlam na liwanag ng̃ maagang pagbubucang liwayway;
aking náririnig ang isáng aaying-aying at malungcot na awit na sa aki'y pumupucaw ng̃ nagugulaylay ng̃ mg̃a damdamin, at tinatawag co sa alaala ng̃ aking púsò ang mg̃a unang taón ng̃ aking camusmusán, ang ating mg̃a catuwâan, ang ating mg̃a paglalarô, ang boong nacaraang maligayang panahóng binigyán mong casayahan, samantalang doroon ca sa bayan."
Kabanata LX.
Mag-aasawa si Maria Clara
PINDUTIN UPANG MAHALINA
kakalimutan na kita
siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
napagisipan mo na ba
dahil kakalimutan na kita
eto na
eto na
kakalimutan ko narin
mga sinabi mong wala palang ibig sabihin
pati narin ang 'yong ngiti
at mga luha sa 'yong paghikbi
eto na
eto na
buburahin na sa isip
ang hugis ng iyong mga mata sa 'yong pagtawa
kung pano ka ba manamit
pati kung pano ka ba umidlip
eto na
eto na
kung hindi na tayo magkikita
nawa ay mangyaring
hilahin tayo ng kamay ng Diyos
sa isang pagkikita
sa isang pangitain
kakalimutan na kita
siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
napagisipan mo na ba
dahil kakalimutan na kita
eto na
"naparito acó't upáng tuparín ang aking isinumpâ, at itinulot ng̃ pagca-cátaong icaw rin ang aking macausap
María, hindi na tayo magkikitang mulî; batà ca at bacâ sacali'y sisihin ca ng̃ iyóng sariling budhî
naparito acó upáng sa iyó'y sabihin, bago acó pumanaw, na pinatatawad catá
paalam na nga ba?
¡Ng̃ayon, cahimana-wari'y lumigaya ca, at paalam!"
Kabanata XXIII.
Isang Bangkay
PINDUTIN UPANG MAHALINA
itim sa bughaw at puti sa dilaw
lampara sa daan ay pinapalitan
ng araw na sumisikat
mukha mo ay nakikita
sa ulap at mga lila
marilag
lungkot sa pag-asa, luha sa tuwa
lamig ng gabi ay pinapalitan
ng init na bumabalot
ang yakap mo'y kakilala
sa banketa ako'y pinulot
marilag
marilag
hindi maitatago, hindi maikukubli
ang mundo ay binabalot
ng iyong pagbangon muli
“Oo, Maria Clara…
ibig ko siyang iligtas.
Inibig kong mabuhay upang maligtas siya.
Bumalik ako…”
Kabanata XXIII.
Isang Bangkay
PINDUTIN UPANG MAHALINA
ang buhok mo'y parang gabing numinipis
sa pagdating ng madaling araw
na kumukulay sa alapaap
ang ngiti mo'y parang isang tala
na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita
kung kailan wala na
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo
ang buhay mo'y parang kandila na pumapawi
sa kadiliman ng gabing puno ng dalita
at ng lagim
bawat segundo ay natutunaw
tumutulo parang luha
humuhugis na parang mga puting paru-paro
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo
sa'yong-sa'yo
ni isang beses ay hindi pa 'ko
nakakakain ng paru-paro
ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno?
saka ko naalala na noon
nang una kong masabi ang pangalan mo
nakalunok ako kaya siguro
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo
sa'yong-sa'yo
“Patay na si Maria Clara..”
“Patay!” ang mahinang bulong na wari’y isang aninong nagsasalita. “Patay na! Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang nabubuhay ako para sa kanya. Namatay nang nagdurusa…”
"At namatay siya roon tulad ng isang lagas na bulaklak…"