In Expense of Virtue
Kapalit ng Kalinisang Puri
“When the Japanese were in the Philippines, women used to put blood on their skirts so they won’t be raped by the soldiers.”
“Noong nasa Pilipinas pa ang mga Hapon, nilalagyan ng mga babae noon ng dugo ang kanilang mga palda para hindi mapagsamantalahan ng mga sundalo.”
Maraming pagmamaltrato at pang-aabuso ang ginawa ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kabilang na dito ang Death March at pagpapasabog nila na nagsilbing simbolo ng kanilang pagta-traydor. Hindi lang dito huminto ang karumal-dumal na mga gawain ng mga dayuhang hapon sa dinumihang Perlas ng Silanganan. Maraming buhay ang pinaglaruan, maraming bangkay ang hindi binigyan ng kapayapaan at maraming babae ang ninakawan ng kabanalan.
Ika-8 ng Disyembre noong pinasabog ng mga dayuhan ang Pilipinas. Noong ika-3 ng Enero ay nagtayo ng gobyernong militar ang mga hapon. Hindi lang iyon – nagtayo din sila ng mga “comfort stations” sa napakaraming lugar sa Pilipinas, kabilang na ditto ang Manila, Bayonbong sa Hilagang Luzon, sa isla ng Masbate sa Kalagitnaang Visayas, isla ng Panay sa Iloilo, Cebu, isla ng Tacloban sa Leyte at napakarami pang iba. Sa mga comfort stations na ito nakatago ang mga “comfort women”.
Isang ‘di pagkakaintindihan ang meron sa salita na ito. Hindi bayaran ang kababaihang dinadala sa mga comfort stations. Karamihan ng mga ito ay mga kababaihang dinukot lamang sa mga kalsada at mga bahay ng mga Pilipino. Pagkatapos ay dadalhin nila ang mga babaing ito sa iba-ibang istruktura para gawing comfort women. Sari-saring lugar ang ginagamitan ng mga sundalo. Mga simbahan, mansion, ospital at pati na mga paaralan ang pinagdadalhan nila sa mga ito. At nang makakuha sila ng mga babae, saka nila ito paulit ulit na gagahasain.
Noong 1992 lamang may naglakas ng loob na ikuwento sa bansa ang mga pagmamaltrato ng Hapon sa kanya. Si Maria Rosa Luna Henson, tinatawag din Lola Rosa, ay nakasakay lamang sa kariton nang dinukot siya ng mga sundalo. Nasa checkpoint lamang sila sa lungsod ng Angeles nang siya’y nahiwalay sa pamilya. Labing-apat na taong gulang lamang siya nang idinala siya sa isang ospital kung saan paulit-ulit siyang pinagsamantalahan. Sa isang araw, umaabot sa isang dosena hanggang tatlumpong sundalo umaabuso kay Lola Rosa.
Marami pang mga kababaihan ang hindi pa ikinukuwento ang kanilang napagdadaanan. Ayon sa ibang ulat, ang mga sumusunod ang ilang karahasan ng mga comfort women. Ilan sa kanila ay mga bata, dalaga at ang iba’y may anak o ikinasal. Dinadala sila sa mga garrison building na dati’y mga paaralan, munisipyo, ospital, o, gaya ng isang Lola (tawag sa comfort women) na kung saan ang sarili niyang bahay ang ginawang comfort station ng mga sundalo. Sa isang simbahan, bawat sulok daw ay may karumal-dumal na panggagahasa ang nangyayari. Ang iba ay ipinaglalaba sa umaga at ginagamit ng mga sundalo sa gabi. Buwan ang tagal ng pagdurusa ng mga lola. Huminto lamang ang impyernong ito nang mailigtas sila ng mga guerilla. Ang kinahinatnan ng iba ay hindi nasabi.
May mga nabubuhay pang mga lola ngayon na humihingi ng simpleng patawad sa gobyerno ng Hapon. Ngunit hindi ito itinutupad, at hanggang ngayon ay marami pading humihingi ng hustisya para sa isang bagay na paulit ulit na ninakaw ngunit hindi na maibalik.
“There were five girls including me in one room. One soldier came into the room. He pushed me to the wall, gagged me with a cloth, and raped me. Two more soldiers came. I lost all my senses. I was only a child who had not even started menstruation. “ – Lola Fiding, Phillippines
“…When the soldiers came back from the battlefields, as many as 20 men would come to my room from early morning. That's why I had to have a hysterectomy (in my twenties). They rounded up little girls still in school. Their genitals were still underdeveloped, so they became torn and infected. There was no medicine except something to prevent sexually transmitted diseases and Mercurochrome. They got sick, their sores became septic, but there was no treatment.
The soldiers made Chinese laborers lay straw in the trenches and the girls were put in there. There was no bedding... underneath was earth. There was no electricity at that time, only oil lamps, but they weren't even given a lamp. They cried in the dark "Mummy, it hurts! Mummy, I'm hungry!" – From the video produced by the AWF, 1998
“I was forced to stay at the hospital which they have made as a garrison. I met six women in the garrison after two or three days in the place. The Japanese soldiers were forcing me to have sex with several of their colleagues. Sometimes 12 soldiers would force me to have sex with them and then they would allow me to rest for a while, then about 12 soldiers would have sex with me again.
There was no rest, they had sex with me every minute. That's why we were very tired. They would allow you to rest only when all of them have already finished. Maybe, because we were seven women in the garrison, there were a fewer number of soldiers for each one of us.” - Lila-Pilipina, Inc. Summary of narration. Ma. Rosa Henson, 69 years old, Pampanga", Data prepared: September 1992.
Reference:
http://8list.ph/japan-emperor-state-visit-philippines-comfort-women/ http://www.awf.or.jp/e3/oralhistory-00.html#philippine