How to spell po? (Re-introducing: Baybayin/Alibata!)
Ang baybayin (“to spell” sa Ingles) – kilala sa Bisaya bilang badlit, kur-itan sa Ilocano at kudlitan naman sa Kapampangan - ang tawag sa makalumang titik ng mga Filipino na naibase sa mga titik ng India at naitala noong ika-16 na siglo. Isang di-pagkakaunawaan ang nangyari para maitawag ang alpabetong ito bilang Alibata. Baybayin ang tunay na tawag dito.
Bago pa tayo masakop ng mga Espanyol, ang alpabetong ito ang ipinapansulat ng ating mga ninuno gamit ang matutulis sa kawayan. Sa dahon at kahoy sila kadalasang nagsusulat.
Ang baybayin ay naitala ng paring espanyol na sina Pedro Chirino noong 1604 at Antonio de Morga noong 1609, at karaniwang ginamit sa pagsusulat ng personal na kasulatan, tula, at iba pa. Ngunit ayon kay William Henry Scott, may mga datu na hindi marunong magsulat at magbasa ng baybayin noong unang panahon.
Ang Laguna Copperplate Inscription ang kilalang unang kasulatan sa Pilipinas. (By Unknown - Unknown, Public Domain, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=4437576)
Ngunit noong ika-17 na siglo ay tinigil na ang paggamit ng baybayin at napalitan na ng alpabetong Espanyol. Ang ibang kasulatan at panitikan na isinulat sa Baybayin ay isinira or sinunog ng mga mananakop ng espanyol.
Sa makabagong panahon muling nanunumbalik ang Baybayin na ngayo’y tinatawag na alibata. Unti-unti itong naipapakilala muli sa makabagong lipunan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulat nito sa mga logo at pati na sa mga tattoo. Hindi ito tuluyang nawala bagkus ay nagmimistula pa itong trend na hindi nahihiyang sundan ng mga kabataan o millenials.
Sa tingin niyo ba isang araw ay maiipatupad na muli ang pagsusulat at pagbabasa ng alibata o baybayin?