top of page

#ParentingGoals (International Women's Day)

Bilang pagdiwang sa Araw ng mga Kababaihan noong ika-8 ng Marso, isang kasaysayan ang ihahandog ko sa inyo: ang kasaysayan ng reyna bago pa man dumating ang mga hapon. Si Reyna Sima.

Kilala dahil sa kanyang paghahari si Reyna Sima ng isla sa Cotabato noong taong 637. Walang siyang kinikilingan at walang kama-kamag-anak sa mga mata ng batas.



Nakarating sa hari ng Arabia ang katangian ni Reyna Sima. Hindi sila makapaniwala na ang paghahari ng isang komunidad o isla ay nagagawa ng babae, kaya palihim na binigyan niya iyon ng pagsubok sa pamamagitan ng pag-utos sa mga tao na maglagay ng ginto sa gitna ng isang kalsada para Makita kung mananakaw ito.



Ngunit isa sa mga batas na ipinatupad ng reyna ang pagbabawal sa pagnanakaw o paggalaw at pagpulot ng mga bagay na hindi mo pagmamay-ari. Tatlong taon na ang lumipas at wala pa ring gumagalaw o umaapak man lamang sa nakalatag na ginto.



Isang araw ay napadaan sa kalsada ang anak na prinsipe ng reyna. Nahakbangan niya ang ginto – isang balita na nakarating agad sa kanyang ina. Napagdesisyonan ni Reyna Sima na parusahan ang kanyang anak na putulin ang mga ng prinsipe, ngunit nagmakaawa ang mga ministro na bawasan ang parusa sa prinsipe. Napagtanto ng reyna na putulin na lamang ang daliri sa paa. Muling nagmakaawa ang mga ministro na liitan ang hatol, ngunit hanggang doon na lamang ang desisyon ng reyna. Sa huli, naputulan ng daliri sa paa ang prinsipe na naging sanhi ng kanyang pagkakasala. Lalong napabantog ang pantay-pantay na pamamalakad ni Reyna Sima.

Sa tingin niyo ba’y tama ang ginawang parusa ni Reyna Sima sa kanyang anak? Sa tingin niyo ba’y sapat lamang ito o masyadong mahigpit? Anong masasabi niyo tungkol sa reyna?

Must Reads
Recent History
Archive
Ano Konek?
No tags yet.
Pa-stalk naman :)
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page